2Q Execom Meeting, Pinangunahan ni Mayor Niña

Pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ngayong araw, Abril 10, 2025 (Huwebes), ang isang Executive Committee Meeting para sa second quarter ng taon sa Mayor’s Conference Room.

Kasama sa pulong sina SATOM, Dr. Cezar T. Quiambao, at Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad.

Kanilang kinumusta ang lahat ng naglalakihang proyekto sa bayan kabilang ang apat na gusali ng LGU sa Magsaysay, NIA pumping station, Nalsian Cold Storage, Swine Project, Central Terminal, Septage and Sewerage Project, at marami pang iba. (RSO; JMB)