2Q BPRP Agri, Environmental, at Social Sectoral Teams, Nag-update sa Status ng Kanilang Accomplishments

Sa pangunguna ng Bayambang Poverty Reduction Action Team, patuloy ang monitoring and evaluation ng mga sektor sa ilalim ng Bayambang Poverty Reduction Plan 2018-2028 upang matutukan ang progreso o estado ng lahat ng proyekto at malaman kung nasaan na ang mga ito pagdating sa implementasyon.

Ang pulong para sa sector ng Agricultural Modernization, Environmental Protection and Disaster Resiliency, Socio-cultural Development and Social Protection para sa second quarter ay ginanap noong Hunyo 25, 2025, sa Mayor’s Conference Room.

Dito ay isa-isang tinalakay ang mga update sa mga proyekto. Kabilang sa tinalakay sa Agricultural sector ang pagpapaigting ng pagtulong sa farm inputs ng mga rice at corn farmer, paggamit ng mga makabagong makinarya at farming technology, pagsasagawa ng iba’t ibang training programs at benchmarking activities, pagsuporta sa mga kooperatiba, pagtatayo ng dalawang cold storage facilities, atbp.

Kabilang sa tinalakay sa Environmental sector ang pagkakaroon ng functional BDRRMC operational plan, evacuation area, disaster early warning system, emergency response team, at aktibo at compliant na Barangay ESWM Committee sa lahat ng 77 na barangay, pag-upgrade ng lahat ng evacuation centers, pagtatag ng isang centralized inter-responder communication system, urban reforestation project, pagpromote ng Clean and Green Campaign, pagtatanim ng punong kawayan sa 36 na barangay na nasa gilid ng Agno, 100% compliance sa School DRRM Operational Plan and Procedure, pagkakaroon ng lahat ng commercial establishments ng DRRM Plan, emergency response team, at evacuation area, atbp.

Kabilang sa tinalakay sa Social sector ang accreditation ng mga RHU bilang primary care facility, pagbawas ng insidente ng mga preventable diseases (dengue, rabies, TB) ng 10% kada taon, pagbawas sa insidente ng teenage pregnancy, pagkakaroon ng sustainable community garden sa lahat ng barangay at backyard gardening sa 20% ng mga kabahayan, pagkakaroon ng comprehensive nutrition program sa lahat ng barangay, gawing agro-tourism destination ang Bayambang, payabungin ang kaalaman ng lahat ukol sa civil registration, paggawa ng database ukol sa labor force, pagtulong sa mga jobless na makahanap ng trabaho, mapababa ang bilang ng mga road accident ng 70%, pagpapaigting ng social welfare assistance sa mga kababaihan, senior citizens, PWDs, solo parents, mga pamilyang nasa crisis situation, at 4Ps beneficiaries, at iba pa. (KB/RSO; AG)

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka