2nd Quarter MAC Meeting, Nagsilbing Plataporma sa Pagsusuri ng mga Programa para sa 4Ps Beneficiaries

Pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, sa pamamagitan ni Municipal Administrator Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, ang 2nd Quarter Municipal Advisory Council (MAC) Meeting ngayong araw, Mayo 26, 2026 sa Mayor’s Conference Room.

Sa pulong, ibinahagi ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), sa pangunguna ni MSWD Head, Ms. Kimberly Basco katuwang ang mga Municipal Link ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang mga accomplishments at updates sa implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) para sa mga buwan ng Marso hanggang Mayo 2026. Kabilang dito ang compliance turnout, validation ng extended families, at registration ng mga bagong benepisyaryo.

Tinalakay rin ang monitoring updates ng Sustainable Livelihood Program (SLP), kabilang ang mga proyekto para sa CY 2023 at 2024, mga good practices, mga hamon sa implementasyon, at updates sa SIBOL at Project Development and Advancement Grant (PDAG).

Dumalo rin ang mga kinatawan ng iba’t ibang tanggapan ng LGU upang magbahagi ng updates at rekomendasyon para sa patuloy na pagpapabuti ng mga programa at serbisyong nakalaan para sa mga benepisyaryo ng 4Ps. Nagtapos ang pagpupulong sa isang bukas na talakayan upang tugunan ang mga concerns at pag-usapan ang mga susunod na hakbang para sa natitirang bahagi ng taon. (RGDS/SMGC;JMB)