27 LGU Employees, Binigyan ng Loyalty Award

Noong April 2, 2025, nakatanggap ng sertipiko ng pagkilala ang 27 na kawani ng lokal na pamahalaan na may higit dalawang dekadang panglilingkod sa bayan ng Bayambang.

Ang pagkilalang ito ay isa sa mga naging highlight ng pagdiriwang ng LGU Night bilang parte ng selebrasyon ng ika-411 taon ng Pista’y Baley 2025.

Ang mga pinarangalan at nakatanggap ng isang token gift ay sina Rosa G. Martinez (39 taon ng panunungkulan), Fernando R. Caragan (37), Elsie C. Dulay at Mylin D. Talino (26), Dr. Paz F. Vallo (35), Edna DV. Palisoc, Jovelie H. Junio, at Lydia C. Roldan (34), Joel V. Camacho (33), Joselito G. Casingal, Erlinda S. Alvarez, at Zaldy G. Valerio (32), Arsenia L. Petuya, Teresita L. Calles, Helen A. Calderon, Joselito P. Rosario, at Romeo C. Catalan (31), at Nora R. Zafra at Wilfredo E. de Guerto (30).

Kabilang naman sa walong nakatanggap ng plaque of appreciation ay sina Myla H. Catalan, Princesita R. Sabangan, Gernalyn J. Santos, Margie M. Salvador, at Ismael D. Malicdem Jr. (25 taon ng panunungkulan), Susana T. Sison, Victoria J. Malagotnot, at Ferdinand C. Dulay (20 taon). (RSO; SVCS)