SK Annual Budget Hearing, Ikinasa

Noong January 22, nagumpisa ang panibagong round ng Annual Budget Hearing ng Sangguniang Kabataan. Dito ay binigyang-daan ang mga kabataang lider na maipresenta at maipaliwanag ang kanilang mga panukalang programa at proyekto para sa kasalukuyang taon.

Sa naturang pagdinig, tinalakay ng bawat SK Council ang mga planong nakatuon sa pangangailangan at kapakanan ng kabataan at ng buong komunidad, kasabay ng pagbibigay-diin sa kahalagahan ng maayos na pagpaplano, transparency, at responsableng paggamit ng pondo ng pamahalaan.

Pinapurihan ni SK Federation President John Roy Jalac ang aktibong partisipasyon at dedikasyon ng lahat ng mga SK Council na lumahok sa budget hearing. Inaasahan na sa pamamagitan ng mga planong ito ay maisasakatuparan ang mga makabuluhang proyekto na tunay na magdudulot ng benepisyo sa kabataan sa bawat barangay.