May 25 na lokal na magsasaka ng palay ang matagumpay na nagtapos sa isinagawang “Training on Financial Management and Organizational Strengthening for Rice-Based Enterprises ng RiceBIS Community” ng DA-PhilRice at Agriculture Training Institute.
Layunin ng pagsasanay na ito na palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga miyembro ng RiceBIS community sa wastong pamamahala ng pondo at pagpapatatag ng kanilang organisasyon, upang higit na mapaunlad ang mga negosyong nakabatay sa bigas.
Ginanap ang pagtatapos ngayong araw, Disyembre 4, 2025, sa Agriculture Conference Room.
Naroon sina Municipal Administrator, Atty. Rodelyn Rajini Sagarino-Vidad bilang kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao at ATI RTC 1 Center Director, Dr. Jayvee Bryan G. Carillo, upang magbigay ng mga inspirasyunal na mensahe.
Kasunod nito ay ang course synthesis at pagbabahagi ng mga karanasan at impresyon ng mga kalahok.
Ipinrisenta ni Ms. Emmekar Antolin, PhilRice Science Research Specialist I, ang mga nagsipag-graduate, na sinundan ng pormal na kumpirmasyon ni Ms. Krisel R. Paguel mula sa ATI-RTC I.
Bilang pagtatapos, sinabi ni Administrative Officer Mark F. Espino na ang aktibidad na ito ay isang mahahalagang hakbang tungo sa mas pinatibay na rice-based enterprises sa Bayambang. (RSO; JMB)






