Bilang pamasko sa mga residente ng Brgy. Pantol, naghandog si Mayor Niña Jose-Quiambao sa may 229 na residente ng Barangay Pantol ng libreng biyahe at entrance ticket sa Blue Sky Theme Park ngayong araw, Disyembre 23, 2025.
Ayon sa alkalde, ito ay bilang pagkilala sa sakripisyo ng mga taga-Pantol na malayo ang tinatahak upang makapunta sa sentro ng bayan.
Hindi lamang ang entrance fee ang sinagot ng alkalde, kundi pati na rin ang transportasyon ng mga residente upang masigurong ligtas at maginhawa ang kanilang pagpunta at pag-uwi.
Naging katuwang sa aktibidad ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni MSWDO Head Ms. Kimberly Basco, na tumulong sa organisasyon at koordinasyon ng mga benepisyaryo.
Lubos ang pasasalamat ng mga residente ng Barangay Pantol sa natanggap na biyaya, na nagbigay sa kanila ng pagkakataong maranasan ang kasiyahan ng Blue Sky Theme Park. (RGDS/RSO; MSWDO)






