Opisyal nang ipinakilala ang 22 kandidata ng Binibining Bayambang 2025 noong Pebrero 17, 2025, sa Balon Bayambang Events Center.
Bago maging opisyal na kalahok, sumailalim ang bawat kandidata sa isang masusing screening process upang matiyak na taglay nila ang kagandahan, katalinuhan, at diwa ng paglilingkod na hinahanap sa isang Binibining Bayambang.
Bilang opisyal na pagsisimula ng kanilang paglalakbay sa kompetisyon, ginanap ang isang sashing ceremony kung saan personal na iginawad nina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan at Municipal Administrator Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad ang official sashes sa bawat kandidata.
Ang pinakahihintay na Grand Coronation Night ay itinakda sa darating na Abril 3, 2025, sa Balon Bayambang Events Center.
Higit pa sa pagpapamalas ng kagandahan, layunin ng Binibining Bayambang na maging isang plataporma ng adbokasiya, inspirasyon, at paglilingkod sa bayan.
Gaya ng isinasaad ng tagline nitong โBeauty for love and service,โ ang tunay na Binibining Bayambang ay hindi lamang maganda sa pisikal na anyo, kundi mayroon ding pusong handang maglingkod. (RGDS/RSO; AG)
#TeamQuiambaoSabangan
#TotalQualityService
#NiรฑaAroTaka
#BeautyForLoveAndService