2027 GAD Plan at Budget ng LGU, Binalangkas

Ang Gender and Development (GAD) Executive Committee ng LGU ay nagpulong noong Marso 17, 2026, saMayor’s Conference Room (MCR) upang pagtibayin ang GAD Plan at Budget para sa taong 2027.

Dinaluhan ito ng mga miyembro ng naturang komite na may layuning ma-finalize ang mga programang nakatuon sa pagsusulong ng gender equality at pagpapalakas ng mga serbisyong panlipunan sa bayan.

Pinangunahan nina ICTO head Ricky V. Bulalakaw at MSWD Officer Kimberly P. Basco ang pulong na siyang nagbigay-diin sa kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng bawat kasapi sa pagbalangkas ng mas inklusibong plano at badyet.

Ang napagkasunduang plano ay inaasahang magsisilbing gabay sa pagpapatupad ng mga proyektong GAD sa Bayambang sa darating na taon. (JLT/RSO; JMB)