2024 Seal of Good Local Governance, Pormal na Tinanggap ng LGU-Bayambang

Pormal na tinanggap ng LGU-Bayambang ang Seal of Good Local Governance (SGLG) ng Department of the Interior and Local Government para sa taong 2024, sa ginanap na awarding ceremony sa Manila Hotel noong December 10, 2024.

Naging kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao si SATOM, Dr. Cezar Quiambao, sa nasabing seremonya.

Ang SGLG ang pinakamataas na karangalang maaaring makamit ng isang LGU mula sa national government. (RSO; RJM; video clip: DILG)