20 Improvised Trash Bins, Ipinagkaloob ng Rotary Club sa LGU-Bayambang

Pormal na itinurn-over ng Rotary Club of Bayambang ang 20 piraso ng improvised trash bins bilang donasyon sa LGU-Bayambang ngayong araw, ika-9 ng Marso 2026, upang ipamahagi sa iba’t ibang barangay sa bayan.

Pinangunahan ang pagbibigay ng donasyon ni Rotary Club of Baybmbang President Leonora Sagun.

Ang nasabing mga basurahan ay bahagi ng kanilang suporta sa LGU-Bayambang sa pagsusulong ng pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng waste diversion tungo sa mas malinis at maayos na komunidad para sa mga Bayambangueño. (KB/RSO; cover photo: RobC; AG, ESWMO)