2-Day Visual Graphic Training para sa OFWs, Isinagawa

Isang libreng 2-day training ang inorganisa ng OWWA ROI, La Union, sa pakikipagtulungan ng PESO-Bayambang, upang mabigyan ng teknikal na kapasidad ang mga OFW para magkaroon ng iba pang livelihood skills para sa trabaho o negosyo man.

Dinaluhan ang unang araw nito noong  Hulyo 23, 2025 ng may 25 mga lokal na OFW at kanilang mga pamilya sa Bayambang Polytechnic College.

Nagsilbing tagapagsalita si Ian J. Galutan (IT Instructor), kasama sina Stephanie G. Mayo (Focal Person on Education and Livelihood Assistance Program), at Christian Celes (OWWA staff). (PESO/RSO; PESO)