2 Centenarians, Pinarangalan bilang Parte ng Senior Citizen’s Week 2024

Ang lokal na pagdiriwang ng Senior Citizen’s Week ay binuksan noong October 7, 2023, sa Pavilion 1 ng Saint Vincent Prayer Park sa temang “Senior Citizens: Building the Nation, Inspiring the Generations.”

Ang programa ay pinangunahan ng mga opisyales ng Federation of Senior Citizen’s Associations of Bayambang, Inc. sa pamumuno ni Pres. Iluminada J. Mabanglo, Office of the Senior Citizen’s Affairs (OSCA) sa ilalim ng kanilang Chairman na si G. Benigno de Vera, at sa gabay ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Nagsilbing tagapagsalita sina Atty. Gle-cee Basco, Public Attorney’s Office, San Carlos City, Pangasinan; Madonna P. Valdez Chief, Social Insurance Officer; at Dr. Dave Francis Junio, RHU dentist.

Kanilang tinalakay ang mga nauukol na paksang “Pointers on Settlement and Partitions of Estates,” “PhilHealth Konsulta Package Provider,” at “Oral Health.”

Sa pagtatapos ng programa ay kinilala ang dalawang bagong Bayambangueñong centenarian na sina Adriano G. Herrera ng Brgy. Pangdel at Magdalena A. Rico ng Brgy. Warding. Sila ay hinandugan ng cash gift mula sa LGU-Bayambang, na bukod pa sa mandatory P100,000 cash grant na nakatakda nilang matanggap mula sa national government.

Kabilang sa mga dumating upang batiin ang mga seniors sina Cong. Rachel Arenas, BM Vici Ventanilla, at representante ni BM Shiela Baniqued. (KALB/RSO; AG)