2 Bayambangueña, Binigyan ng Wheelchair

Dalawang PWD na Bayambangueña ang nakatanggap ng wheelchair sa tulong ni Mayor Niña Jose-Quiambao, sa pamamagitan ng Persons with Disability Affairs Office.

Ang mga benepisyaryo ay sina Mary Jane Fortuna, isang kidney and heart patient, mula Brgy. Hermoza, at Ruth S. Junio, isang amputated patient mula Brgy. Telbang.

Marami sa mga mobility at assistive device ng PDAO ay galing sa mga donasyon ng mga pribadong grupo at indibidwal, at kabilang sa mga naging donor kamakailan ay sina Sammy C. Lomboy at Morries Camorongan. (Ralph Jian Samson/RSO; SCL)