2 Atraksyon sa Bayambang, Kabilang sa mga Tampok na Destinasyon sa “Creative Tour” ng DOT-DTI

Dalawang atraksyon sa Bayambang ang naging tampok sa isang tinaguriang creative tour ng DOT sa pakikipaugnayan sa DTI.

Kasama sa nasabing tour — na tinaguriang RANIAG (‘kariktan’ sa wikang Ilokano) — ang humigit-kumulang na tatlumpung personalidad mula sa iba’t ibang sektor bilang mga “creative tourists.”

Kabilang sa mga aktibidad na handog ng Bayambang ang isang pambungad na cultural presentation; live demonstration ng mga bagong food researches, booth visitation, at shopping sa PSU-DOST R1 Food Innovation Center; at pagbisita sa St. Vincent’s Ferrer Prayer Park.

Malugod na sinalubong ng mga kawani ng Municipal Tourism Information and Cultural Affairs Office (MTICAO) ang mga bisita nitong ika-13 ng Setyembre, 2025. Nagsilbing tour guide si Moises Palisoc sa higanteng istatwa ng patron ng Bayambang.

Ang pagbisita ay bahagi ng pangunahing inisyatiba ng DOT Regional Office I para sa 1st Region 1 Creative Tour sa ilalim ng programang tinaguriang R.A.N.I.A.G. o “Rediscover Artistry, Nurture Identity, and Accelerate Growth” na nagtatampok sa mga lalawigan ng La Union at Pangasinan.

Layunin ng limang araw na creative tour na bigyang-pansin ang mga talento at creative spots sa buong Rehiyon 1.

Kabilang sa mga dumating na “creative tourists” ang mga national at local artists, social media influencers, chefs, tour operators, fashion at interior designers, at media practitioners.

Sa aktibidad ay espesyal na naitanghal ang bayan ng Bayambang bilang isang premier hub sa Rehiyon 1 para sa creative tourism at creative products, alinsunod sa layunin ng Philippine Creative Industries Development Act (RA 11904). (VMF/RSO; WMC)