1st Public Consultation, Isinagawa para sa Bayambang Onion Cold Storage Facility

Nagsagawa ang LGU ng unang public consultation sa ipapatayong Bayambang Onion Cold Storage Facility sa ilalim ng Stage II (Scale-up) Department of Agriculture-Philippine Rural Development Project.

Ang konsultasyon ay ginanap noong August 29, 2024 nang umaga sa Brgy. San Gabriel 2nd Covered Court at nang hapon sa Brgy. Pantol Evacuation Center.

Ito ay dinaluhan nina Punong Barangay (PB) Gildo Madronio ng San Gabriel 2nd, PB Alexander Favi ng Amancosiling Sur, at PB Arnel Ochave ng Pantol kasama ang mga farmer at farmers’ association president ng kani-kanilang mga barangay.

Sa presentation, detalyadong binalangkas at ipinaliwanag ang apat na aspeto ng plano sa naturang proyekto ng iba’t ibang department head ng LBU-Bayambang.

Tinalakay ni Engr. Bernadette D. Mangande, I-BUILD Unit Head, ang Proposed Subproject (Full Disclosure of Subproject Details). 

Nagfocus naman si MENRO Joseph Anthony F. Quinto, Social Safeguards Unit Head, sa Entitlement Policy and Compensation.

Tinalakay ni Supervising Agriculturist, Dr. Jegie A. Malicdem, ang Operational Guidelines.

Ipinaliwanag naman ni Municipal Legal Officer, Atty. Bayani B. Brillante Jr., ang Assistant Unit Head ng MPMIU o Municipal Project Management and Implementing Unit, ang Grievance Redress Mechanism ng proyekto.

Matapos nito, ang mga dumalo ay nagtanong at nagbigay ng mga mungkahi kung paano pa mas magiging maayos ang implementasyon ng naturang proyekto. (RHOB/RSO; AG)