1Q MAC Meeting | Mayor Niña, Magbibigay ng Tulong sa 6 4Ps Survival Cases

Ang unang quarter ng pagpupulong ng Municipal Advisory Council ay pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao bilang Chairperson nito, sa pag-oorganisa ng Department of Social Welfare and Development-Regional Field Office I Municipal Links at Municipal Social Welfare and Development Office.

Ang pulong ay ginanap noong March 19, 2024, sa Mayor’s Conference Room at dinaluhan nina SB Committee Chairman on Social Services, Indigents and Disabled Persons, Councilor Benjie de Vera; Councilor Levinson Nessus M. Uy; Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad; BPRAT Chairperson, Dr. Rafael L. Saygo iba pang department head ng LGU; at mga NGO, kabilang ang religious sector.

Naging sentro ng usapin ang ukol sa estado ng anim na 4Ps members na “survival cases,” na agad namang tinugunan ni Mayor Niña. Isa sa mga benepisyaryo ay pinangakuan niyang bigyan ng isang livelihood program. Ang pangalawa naman na mayroong kundisyon ang kanyang anak na diamond blackfan anemia at kinakailangang masalinan ng dugo kada buwan ay inabisuhan na magreport sa RHU at MAC Office para matulungan sa buwanang medikasyon. Ang apat na iba pa ay walang maayos na tirahan kaya’t sila’y pinangakuan naman ng libreng pabahay ni Mayor.

Kasama rin sa tinalakay ang kalagayan ng mga ongoing Sustainable Livelihood Program ng DSWD-MSWDO.  (ni Vernaliza M. Ferrer, Angelica C. Arquinez/RSO; larawan: Ace Gloria)