Ang PESO-Bayambang, kasama ng Department of Labor and Employment (DOLE), ay nagsagawa ng isa na namang profiling activity para sa may 192 na PWDs na bagong batch na target beneficiaries ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Distressed/Disadvantaged Workers ng DOLE.
Ang profiling activity ay ginanap noong October 22, 2024 sa Balon Bayambang Events Center. (RSO; JMB)