Dumating noong March 1, 2024, si Congresswoman Rachel ‘Baby’ Arenas upang pangunahan ang pamamahagi ng panibagong ayuda mula sa DOLE-TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) sa tulong ng kanyang tanggapan at ng PESO-Bayambang.
Personal na ipinaliwanag ng kongresista ng Distrito 3 kung ano ang TUPAD program at sino lamang ang mga dapat tumanggap dito: ang mga biglang nawalan ng trabaho at nangangailangan ng pantawid na tulong sa pamamagitan ng ayudang pinansiyal. Binigyang-diin niya na ang ayuda ng bawat isa ay dapat matatanggap na buo at walang kaltas.
Ayon sa PESO, may 1,736 na bagong benepisyaryo ang tumanggap ng tulong na umaabot sa halagang P4,350 bawat isa. Kabilang sa mga tumanggap ang mga graduate ng 4Ps at miyembro ng pamilya ng mga Barangay Health Worker (BHW), Barangay Nutrition Scholar (BNS), at Barangay Service Point Officer (BSPO).
Naroon din ang kinatawan ni Mayor Niña Jose Quiambao na si Dr. Rafael L. Saygo upang batiin ang bagong batch na ito ng benepisyaryo. (ni Eduardo P. Sison II/RSO; larawan: JMB)