1,699 Pre-K Learners, Nakatakdang Magsipagtapos

May 1,699 na pre-kindergarten learners mula sa 78 na Child Development Centers ng Bayambang ang nakatakdang magsipagtapos, sa magkakahiwalay na Moving-Up Ceremony mula April 22 hanggang April 25, 2025 sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.

Sa programang inorganisa ng MSWDO, Child Development Focal Person, at Bayambang CDW Federation, nakatakdang maging panauhing pandangal at tagapagsalita sina Bayambang Polytechnic College Assistant College Registrar Paul Jan Mark M. Pacubas; Ramos Central Elementary School Teacher III Gemma S. De Guzman; SK Federation President, Hon. Marianne Cheska B. Dulay; at Beleng National High School Teacher III Benjie A. Junio.

Ang tema sa 35th Pre-Kindergarten Moving-Up Ceremony na ito ay “Munting Hakbang Tungo sa Maunlad na Kinabukasan.”

Ito ay isang paalaala na ang bawat maliit na hakbang ng isang bata ay may malaking epekto sa pagbuo ng kanyang kinabukasan. (KB/RSO; Ace Gloria, JMB)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#Niñaarotaka