Matagumpay na natapos noong Nobyembre 6, 2025 ang 15th cycle o pinakahuling siklo ng 120-Day Supplementary Feeding Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office I, na ipinatupad sa 78 Child Development Centers ng MSWDO-ECCD sa bayan ng Bayambang.
Sa ilalim ng programang ito, nabigyan ng karagdagang nutrisyon at masustansyang pagkain ang may kabuuang 2,530 Pre-K learners, sa layuning tugunan ang problema sa malnutrisyon at palakasin ang kalusugan ng mga batang nasa maagang yugto ng pagkatuto.
Ang matagumpay na pagtatapos ng programang ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng DSWD, lokal na pamahalaan, at mga guro (CDWs) sa mga Child Development Center upang mapangalagaan ang kalusugan at kinabukasan ng mga kabataang Bayambangueño. (RSO; MSWDO)








