May 1,500 benepisyaryo ang nakakuha ng tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), noong ika-6 ng Pebrero 2025, sa Pavilion 1 ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.
Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P2,000 bilang suporta sa kanilang pangangailangan.
Bukod dito, namahagi rin ang DSWD ng cash grants sa walong Sustainable Livelihood Program (SLP) Associations upang suportahan ang kanilang kabuhayan.
Kasama rin sa pamamahagi ang food packs bilang bahagi ng ‘LAB for All’ initiative. (KB/RSO: DSWD)