Ang Bayambang Dairy Farm ay nakipag-ugnayan sa Municipal Nutrition Office upang magpamahagi ng kanilang produkto na fresh cow’s milk para sa 150 na buntis sa Bayambang, sa ilalim ng 90-Day Dietary Supplementation Program.
Ayon kay Municipal Nutrition Action Office, ang mga napiling benepisyaryo ay base sa pagiging nutritionally at-risk o pagkukulang sa nutrisyon, o pagiging at-risk dahil sa edad ng pagbubuntis.
Ang aktibidad na ito, sinimulan noong September 3, 2024, at magtatapos sa December 3, 2024, ay isang pagsuporta sa programa ng lokal na pamahalaan na mabawasan ang malnourished na buntis at maging malusog ang kanilang sanggol habang nasa sinapupunan pa lamang nila ito. (ni Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan: MNAO, JMB)