15 SKs, Sumalang sa 2nd Batch ng Annual Budget Hearing

Noong February 10, nagpatuloy ang Sangguniang Bayan sa pagdinig ukol sa Annual Budget Hearing ng mga Sangguniang Kabataan (SK) ng mga barangay (Batch 2) ng Zone 1, Tococ West, Telbang, Tamaro, Ligue, Bacnono, Pugo, Manambong Norte, San Gabriel 2nd, Darawey, Nalsian Sur, at Caturay.

Inilahad dito ng mga nakasalang na SK leader mula sa iba’t ibang distrito ang kanilang mga panukalang programa at proyekto para sa taong 2026.

Tinalakay sa pagdinig ang mga planong nakatuon sa pangangailangan ng kabataan at komunidad, kasabay ng pagbibigay-diin sa maayos na pagpaplano, transparency, at responsableng paggamit ng pondo. (RHOB/RSO; RHOB/LYDO)