โKung may problema sa barangay, kayo ang nasa frontline,โ paalala ni Gov. Ramon V. Guico III bilang mensahe ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga Civilian Volunteer Officers (CVOs), sa ginanap na payout ng annual amelioration fund mula sa pamahalaang panlalawigan para sa mga CVOs ng District III.
Umabot sa 1,494 CVOs ang nakatanggap ng nasabing financial grant mula sa pamahalaang panlalawigan sa taunang โFellowship and Distribution of Financial Grant to the CVOsโ noong Pebrero 11, 2025, sa Pavilion 1 ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.
Pormal na binuksan ang programa sa pamamagitan ng welcome remarks ni Mayor Niรฑa Jose-Quiambao sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si OIC Municipal Administrator, Atty. Bayani B. Brillante, Jr.
Sinundan ito ng mga inspirasyonal na mensahe mula kay Vice-Mayor Ian Camille Sabangan at iba pang incumbent Sangguniang Bayan ng Bayambang members, 3rd District Congresswoman Rachel Arenas, Vice-Governor Mark Ronald D. Lambino, at Provincial Board Members Vici Ventanilla, Raul R. Sabangan, at Dra. Shiela Marie F. Baniqued, pati na ang mga espesyal na bisita na sina Jocelyn Espejo, Engr. Zerex Terrado, Nazer Junio, at Vandave Paragas.
Sa kanyang mensahe, pinuri ni Governor Guico ang dedikasyon ng mga CVO sa paglilingkod sa kanilang mga barangay bilang mga frontliners. Aniya, batid niya na mahirap ang papel na ginagampanan ng mga CVO bilang katulong ng kapitan sa pagsugpo ng mga gulo at paglutas ng mga gusot sa barangay.
Bilang pagkilala sa kanilang di matatawarang serbisyo sa barangay, bawat benepisyaryo ay tumanggap ng tig-iisang libong piso at Guiconsulta Card, isang panghabambuhay na health insurance at digital medical record na magagamit nila sa mga serbisyong medikal ng lalawigan. (Jumong Isla/RGDS/RSO; AG)