Muling inihandog sa mga kawani ng LGU-Bayambang ang mga libreng pampering services noong September 24, 2024, sa Balon Bayambang Events Center bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-124 na anibersaryo ng Philippine Civil Service.
Sa pangunguna ng HRMO, ang paghahandog ng free pampering services tulad ng haircut, manicure, pedicure, at back massage ay isang paraan ng pagkilala at pasasalamat sa walang-sawa at maayos na paninilbihan ng mga kawani ng LGU-Bayambang.
Matapos ang mga nakakarelax na mga serbisyo, sinundan ito ng masayang zumba session na nagpaindak sa lahat.
Sa pamamagitan nito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga kawani ng LGU-Bayambang para makapag-relax at makapag-enjoy upang marecharge para sa mga susunod na araw sa kanilang mga tungkulin at mahikayat sa patuloy na pagbibigay ng total quality service sa bawat Bayambangueño. (Angel P. Veloria/RSO; JMB)