Muli na namang nag-organisa ng isang Zumba session ang HRMO sa Balon Bayambang Events Center ngayong araw, September 15, 2023, bilang parte ng 123rd Anniversary ng Civil Service Commission, sa tulong ng ZumBayambang at Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. (KKSBFI).
Sa pangunguna ni HRMO department head, Nora R. Zafra, ang lahat ng kalahok ay mula sa iba’t ibang opisina ng LGU-Bayambang, at sila ay sabay-sabay na umindak at gumiling-giling kasama ang Zumba instructor ng KKSBFI.
Ang mga kawani ay nakatanggap pa ng freebies tulad ng T-shirt at energy drink.