12 Indigent na Pasyenteng Bayambangueños, Matagumpay na Napa-operahan ng Libre ni Mayor Niña

Agad na nabigyan ng tulong ang 12 na indigent na pasyente na dumulog kay Mayor Niña sa pamamagitan ng Mayor’s Action Center (MAC).

Ang labindalawang indigent na pasyente ay naasistehan ng mga MAC staff mula sa pagpapa-checkup hanggang sa araw ng operasyon.

Kabilang sa mga naoperahan ay ang:

– dalawang menor de edad na naoperahan sa puso sa Philippine Heart Center, Quezon City,

– dalawang cancer patients na naoperahan sa breast,

– apat na pasyente na naoperahan sa mata sa Region I Medical Center, Dagupan City,

– tatlong pasyente na naoperahan sa gall bladder, kidney stone, at thyroid sa Bayambang District Hospital, at

– isang pasyente na sumailalim sa tonsillectomy sa Dagupan Doctors Villaflor Memorial Hospital, Dagupan City.

Sa huli, patuloy ang LGU-Bayambang sa pagbibigay ng tulong medikal sa mga maralita at may kakulangan sa pananalapi na mga pasyente bilang social safety net–ang pagsisiguro ng pantay na access sa mahahalagang pangangalagang pangkalusugan habang pinipigilan ang mga napag-iiwanang pamilya na mahulog sa malalim na balon ng kahirapan dahil sa pangangailangan sa medisina. (JEN/RSO; MAC)