1,100 Estudyante ng BPC, Nakatanggap ng Food Assistance mula sa Pinoy Workers Partylist at BM Ventanilla

Nakatakdang tumanggap ng food assistance na nagkakahalaga ng P2,000 bawat isa ang may 1,100 estudyante ng Bayambang Polytechnic College sa isang programang handog ng Pinoy Workers Partylist sa pamamagitan ni Board Member Vici Ventanilla.

Ang nasabing food assistance ay bahagi ng adbokasiya ng Pinoy Workers Partylist sa pagtugon sa pangangailangan ng mga estudyante, lalo na sa aspeto ng pagkain at pang-araw-araw na gastusin.

Nag-umpisa ang payout activity ngayong araw, ika-7 ng Agosto 2025, sa Pavilion 1, St. Vincent Ferrer Prayer Park (KB/RSO; JMB)