11 GIP Beneficiaries, Tumanggap ng Sahod mula DOLE

Sa tulong ng Public Employment Services Office-Bayambang, tinanggap ng 11 na interns na benepisyaryo ng Department of Labor and Employment-Government Internship Program (DOLE-GIP) ang kanilang sahod ngayong araw, ika-17 ng Hulyo 2025, sa Pavilion 1 ng Saint Vincent Ferrer Prayer Park.

Ayon sa PESO-Bayambang, nagbayad ang DOLE ng P468/day kada GIP worker para sa kanilang pagtatrabaho sa loob ng tatlong buwan. (VMF/RSO; PESO)