Sa ilalim at bisa ng Expanded Centenarians Act, may 107 na kwalipikadong senior citizen sa Bayambang na may edad 80, 85, 90, at 95 ang pinagkalooban ng tig-P10,000 na cash gift mula sa National Commission of Senior Citizens (NCSC).
Ginanap ang distribusyon ng cash grant ngayong araw, Marso 25, 2026 sa MSWDO Building, sa pakikipag-ugnayan ng NCSC sa Municipal Social Welfare and Development Office at Office of Senior Citizen Affairs. (KB/RSO; AG)





