May 105 na graduate ng PSU-Bayambang Campus ang napiling benepisyaryo ng DSWD Cash-for-Work Program. Ayon sa PESO-Bayambang, sila ay madedeploy sa LGU.
Ang Cash-for-Work Program para sa mga nagtapos sa kolehiyo ay tatakbo sa loob ng 90 na araw at ipatutupad sa pamamagitan ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi-CIDSS) ng DSWD na pinondohan ni Senator Imee Marcos.
Ang Kalahi-CIDSS Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay (KKB) ay naglalayon na magbigay ng panandaliang interbensyon sa pamamagitan ng pansamantalang trabaho o target na cash transfer para sa mga nagtapos sa kolehiyo at mga apektado ng pagbabago ng klima, nabibilang sa hanay ng mahihirap, at miyembro ng isang vulnerable na komunidad.
Sa Orientation Program ng PESO-Bayambang na ginanap noong Nobyembre 22, 2023, sa Balon Bayambang Events Center, naroon sina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad; BPRAT Chairperson, Dr. Rafael L. Saygo; PESO-Bayambang Officer Gernalyn Santos at kanyang staff; at PSU-Bayambang Coordinator of Students and Alumni Services, Dr. Leonardo Basilio.