104th Army Reservists, Nagparehistro bilang Community Disaster Volunteers

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Disaster Resilience Month 2024, inilunsad ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ang kanilang bagong programa, ang Accreditation of Community Disaster Volunteers, noong  ika-29 ng Hulyo.

Kasabay ng paglulunsad ng programa, ipinakilala rin ang kauna-unahang opisyal na boluntaryo na rehistrado sa kanilang platform. Ito ay ang 104th Ready Reserve Infantry Battalion, 104th Community Defense Center ng Philippine Army na pinamumunuan ni Lt. Col. Romeo Abuan. Naroon din sina Corporal Teymaet Lelis, Technical Sargeant Shelter Pader I, at Lt. Alpha Commander Councilor Amory Junio.

Ang paglulunsad ng programang ito ay isang malaking hakbang tungo sa mas ligtas at mas handang komunidad. (KLB/RSO; AG)