May isang libong benepisyaryo ang nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD, sa tulong ng MSWDO at gamit ang pondo mula sa tanggapan ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.
Naroon upang batiin ang mga benepisyaryo sina Councilor Mylvin ‘Boying’ Junio, Coun. Martin Terrado II, at Coun. Jose ‘Boy’ Ramos, kasama sina Board Member (BM), Dr. Shiela Baniqued, BM Vici Ventanilla, at former BM, Atty. Angel Baniqued Jr.
Ang ayuda ay nagkakahalaga ng P1,000,000 sa kabuuan, at ipinamahagi ito sa mga nangangailangang estudyante ng Bayambang Polytechnic College at mga job order employees ng munisipyo.
Ginanap ang payout sa Pavilion 1 ng St. Vincent Ferrer Prayer Park ngayong araw, ika-30 ng Nobyembre 2024. (KALB/RSO; AG)