1,000 Indigent Solo Parents, Tumanggap ng Regalo mula sa OVP

Ang Office of the Vice President (OVP) sa ilalim ni Vice-President Sara Dueterte ay nagpamahagi ng gift packs para sa 1,000 indigent solo parents.

Ang pamamahagi ay sinagawa noong November 26, 2024, sa Events Center, sa tulong ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Ang kinatawan ng OVP na si G. Maximo Alexis Tan ay mainit na sinalubong ng mga LGU officials bilang kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, kabilang sina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, Konsehal Jose Ramos, Konsehal Martin Terrado II, Konsehal Amory Junio, Konsehal Mylvin Junio, Konsehal Benjie de Vera, at SK Federation President Marianne Cheska Dulay.

Naoon din mga bagong miyembro ng Team-Quiambao Sabangan na sina Ms. Jocelyn Espejo, G. Nazer Junio, Engr. Zerex Terrado, at G. Vandave Paragas.

Ang thanksgiving tote bag ay naglalaman ng 10 kilo ng bigas, 6 cans ng corn beef, 3 cans ng beef loaf, 3 cans ng sardines, 2 packs ng noodles, at 1 pack ng stick coffee. (Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan ni AG)