Noong November 21, 2023, ang mga LGU scholar ay dumalo sa Pavilion 1 ng Saint Vincent Ferrer Prayer Park para sa Educational Financial Assistance payout na inorganisa ng Local School Board (LSB) sa pamumuno ni Executive Director Rolando Gloria, katuwang ang Treasury Office.
May 1,000 na college students ang tumanggap sa handog na tulong ng Lokal na Pamahalaan para sa kanilang pag-aaral.
Ayon sa LSB, ito ay priority project na sinimulan ni former mayor, Dr. Cezar Quiambao, nang ito ay maupo bilang alkalde noong 2016 at ipinagpatuloy ng kaniyang kabiyak na si Mayor Niña Jose-Quiambao.
Vernaliza M. Ferrer/RSO