1,000 Bayambangueño, Bagong Batch na Tumanggap ng Ayudang “AKAP”

Isang payout activity ang isinagawa para sa bagong batch ng mga benepisyaryo ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) mula sa pondong galing sa tanggapan ni Third District Congresswoman Rachel “Baby” Arenas.

Ito ay ginanap noong Nobyembre 21, 2024, sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.

Pinangunahan ng mga kawani mula sa tanggapan ni Cong. Arenas ang aktibidad, kasama ang ilang empleyado ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), upang matagumpay na maipaabot ang tulong sa mga benepisyaryo.

May kabuuang 1,000 na Bayambangueño na mga SK official, Barangay Secretary, at Barangay Treasurer ang nakatanggap ng nasabing ayuda. (Rovin Gem D. Soriano/RSO; JMB)