Isang residente ang nag-donate sa bayan ng Bayambang ng 100 golden shower seedlings at agoho seedlings sa pamamagitan ng Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO).
Malugod na tinanggap ang naturang donasyon mula sa Rotarian na si Rose Ann Sacdalan ng Sacdalan Nursery sa Brgy. Tamaro nina Councilor Benjie S. de Vera at OIC ng ESWMO, SEMS Eduardo Angeles Jr.
Ang mga naturang seedlings ay ilalagak sa naturang tanggapan upang gamitin para sa mga upcoming tree growing activity. (RSO; ESWMO)
#TeamQuiambaoSabangan
#TotalQualityService
#NiñaAroTaka