100% ng 77 Barangays ng Bayambang, Konektado na sa BayWaD sa Pagbubukas ng Pantol Pumping Station!

Pormal na pinasinayaan ang pangpitumpu’t pitong barangay ng munisipalidad ng Bayambang na tanggapin ang serbisyo ng BayWaD (Bayambang Water District).

Ikinagagalak na itala sa historya ng Bayambang na noong Disyembre 19, 2025, 100% sa pitumpu’t pitong barangay ay konektado na sa BayWaD.

Napakahalaga ang pagkakaroon ng koneksyon ng tubig. Pinaigting ang pagkakaroon ng koneksyon dahil sa pakaka-install ng water pumping station sa naturang lugar.

Ito’y sumasagisag sa ‘Visionary Plan’ ng ahensya na mailapit ang isang maaasahang serbisyo ng ligtas na tubig sa bawat kabahayan at establisimyento.

Higit na pinasigla ang okasyong ito nang basbasan ni Fr. Reydentor Mejia ang istruktura, na sinundan na rin ng pagsaksi ng bawat isa sa simpleng pasinaya.

Kapansin-pansin ang presensiya ni Ms. Rhoda Sagum na donor ng lote at mga opisyales ng Brgy. Pantol na pinangungunahan ni Brgy. Capt. Arnel L. Ochave.

Naroon din si Engr. Alfonso B. Basco at mga miyembro ng Technical Working Group, mga Division Manager, mga representante mula sa LGU-Bayambang, BayWaD General Manager Francis J. Fernandez, at mga Board of Directors na pinamumunuan ni Chairman Marlon T. Nonato.

Ang tanging sigaw ng lahat ay: “ANG TUBIG AY BUHAY”!