Nagmonitor noong October 4, 2024, ang DOLE, katuwang ang PESO-Bayambang, sa 100 TUPAD beneficiaries na mga estudyante ng Bayambang Polytechnic College.
Ang nasabing batch ay pinondohan ng Office of the Vice-President.
Sa ilalim ng programa, ang mga estudyante ay maglilinis ng sampung araw at nakatakdang tumanggap ng P4,350 bawat isa pagkatapos ng kanilang trabaho. (PESO/RSO; PESO)