10 Ulirang Bayambangueña, Kinilala

Naging major highlight ng National Women’s Month 2024 ang search for the 1st 10 Ulirang Bayambangueña, na naglalayong kilalanin ang mga magigiting at masisipag na kababaihan ng Bayambang mula sa mga itinuturing na underrepresented at underappreciated na sektor ng lipunan.

Ang sampung natatanging kababaihan ay pinarangalan ngayong araw matapos ang flag ceremony, March 25, 2024, sa Balon Bayambang Event Center. Sila ay sina Criselda Malbog, Nancy Espinoza, Belinda Fajardo, Josephine Ramos, Merly Situa, Jenifer Alupig, Rebecca Agbuya, Gretchen Pacis, Lerma Padagas, at Melanie Centeno.

Ipinakita sa isang video presentation na ang bawat isa sa sampung natatanging Bayambangueña ay nagmula sa iba’t ibang larangan at nagpamalas ng mga personal na katangian at accomplishment na talagang kahanga-hanga sa likod ng kanilang mga sariling pinagdadaanan sa buhay. Bawat kuwento ng kanilang buhay ay nagbibigay-inspirasyon sa lahat ng Bayambangueño.

Sila ay nakatanggap ng plaque of recognition at P10,000 cash kada isa.

Ang pagbibigay-parangal ay parte ng Culmination Program ng 2024 National Women’s Month at inorganisa ng Local Council for the Protection of Women and Children, sa pangunguna ng Municipal Social and Welfare Development Office (MSWDO) kasama ang mga Bb. Bayambang.