10 JKQ Hospital Staff, Nag-Hands on Training sa LCRO

Sampung staff ng Julius K. Quiambao Medical and Wellness Center mula sa dalawang departamento ng nasabing ospital ay nag-hands-on training sa “Proper Handling, Filling-Out and Registration of Birth and Death Certificates” sa Local Civil Registry Office (LCRO) noong August 22-28, 2024.

Ang mga nasabing dalawang departamento ay ang Medical Information Department sa ilalim ng supervision ng kanilang department head na si Mrs. Maynerissa Malicdem at Admission and Allied Services Department na pinangunahan naman ng department head na si Mrs. Bernadeth Presbitero.

Sa limang araw na pagsasanay, inihanda at hinasa ang staff sa aktuwal na preparasyon sa paggawa ng birth at death certificates para maiwasan ang mga pagkakamali o clerical errors sa mga nasabing mahalagang dokumento bago marehistro sa Local Civil Registry Office nang naayon sa batas.

Ang JKQ Medical and Wellness Center na ipinatayo ng ating butihing former mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, at ng kanyang pamilya ay pormal na magbubukas ngayong buwan ng Setyembre. (LCRO/RSO; LCRO)