Isang libreng 1-day training sa bread at pastry-making ang inihandog ng TESDA at Pangasinan School of Arts and Trade sa pakikipagtulungan sa PESO-Bayambang mga local na OFWs noong October 1, 2024, sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.
Ito ay isa na namang dagdag na kaalaman at kakayahan para sa mga napiling benepisaryo upang makapag-umpisa sa isang bagong pagkakakitaan. (RSO; JMB)