๐Ÿ,๐Ÿ“๐ŸŽ๐ŸŽ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐’๐จ๐ฅ๐จ ๐๐š๐ซ๐ž๐ง๐ญ๐ฌ, ๐ƒ๐ฎ๐ฆ๐š๐ฅ๐จ ๐ฌ๐š ๐Ž๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐€๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ

Isang orientation activity para sa 1,500 na solo parents ang isinagawa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) noong February 21, 2025, sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.

Ang mga solo parents ay winelcome ni Mayor Niรฑa Jose-Quiambao, mga Sangguniang Bayan members at special guests sa pangunguna ni Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, at Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad.

Pinangunahan ni MSWD Officer Kimberly Basco ang pagpapaliwanag ng batas ukol sa solo parents, mga benepisyo ng naturang batas, at mga kinakailangang dokumento para sa pagpaparehistro sa kanilang tanggapan bilang solo parents. 

Pagkatapos nito, ang MSWDO ay namahagi rin ng mga ID sa mga solo parents na umattend at nakapasa sa massive validation na isinagawa ng tanggapan noong nakaraang taon.

Nagpamahagi naman ng surpresang spaghetti pack si Mayor Niรฑa sa lahat ng dumalo sa aktibidad. (RSO; JMB)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#NiรฑaAroTaka