Ang mga kabataan ang naging sentro ng saya, serbisyo, at pagpapahalaga sa isinagawang State of the Childrenβs Address (SOCA), na pinangunahan ng MSWDO noong Nobyembre 25, 2024, sa Balon Bayambang Events Center, bilang bahagi ng selebrasyon ng 32nd National Childrenβs Month.
Sa temang βπ½π§πππ π©ππ ππ§ππ«ππ‘ππ£ππ, ππ£π π©ππ πππ€π‘ππ£ππ: ππ§π€π©πππ©ππ£π πΎπππ‘ππ§ππ£, πΎπ§πππ©ππ£π π ππππ ππππ‘ππ₯π₯ππ£ππ¨,β itinampok sa pagdiriwang ang Komprehensibong Serbisyo Para sa mga Bata, kung saan mga libreng pangkalusugan, dental, at wellness services ang ibinigay para sa mga bata at pati na rin sa kanilang mga child development workers at teachers.
Sa pagbubukas ng programa, pinasalamatan ni SB Chairperson ng Women, Children, and Family Committee na si Councilor Benjie S. de Vera, ang lahat ng mga walang kapaguran sa serbisyo para sa kapakanan ng mga kabataan. Pagdidiin-niya, “Idtan tayo ya pangkamaongan tan proteksyon so saray ugugaw tayo, especially our child development learners.”
Sinundan ito ng isang inspirational message mula kay Vice-Mayor Ian Camille C. Sabangan. Wika niya, “…A child’s smile is a beacon of hope… Together we can break the chain of violence and create a safe Philippines for every child,” bilang pagbibigay-diin sa mahalagang papel ng pangangalaga at pagmamalasakit sa bawat bata sa Bayambang.
Sa kanyang SOCA, ipinahayag ni Mayor NiΓ±a Jose-Quiambao ang matibay na pangako ng lokal na pamahalaan sa paglulunsad ng mga programs at policies para sa kapakanan ng bawat bata. Aniya, “Our children deserve the best and only the best in everything… We need to take care of [them]; after all, they are the future.”
Sinundan ito ng isang ‘Dialogue with the Mayor,’ na nagbigay ng pagkakataon sa mga bata na direktang magtanong at magbahagi ng kanilang saloobin. Ang mga tanong at puna ng mga kabataan ay maingat na sinagot ng mga kinatawan ni Mayor NiΓ±a Jose-Quiambao na sina Vice-Mayor Ian Camille Sabangan at Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, na siyang nagbigay-linaw at kasiguraduhan sa mga isyung kanilang isinangguni.
Ilan sa mga mahahalagang katanungan ng mga bata ay tungkol sa isyu ng pagkalulong ng mga kabataan sa electronic gadgets, kawalan ng respeto sa nakatatanda, tamang nutrisyon, edukasyon, kalinisan, at iba pang isyung pangkabataan.
Sa pagsasara ng programa, nagpasalamat si Atty. Vidad sa mga paaralan at organisasyong nakibahagi sa month-long celebration para sa mga bata sa kanyang closing remarks.
Nagbigay din ng isang cute na cute at makulay na pagtatanghal ang Grand Champion ng Street Dance Festival 2024, ang Cluster 6 (Mango-Bamboo Festival).
Bilang bahagi ng selebrasyon, namahagi rin ng libreng ice cream at tsinelas sa mga bata, na nagdulot ng ngiti sa kanilang mga mukha.
Sa pagtatapos ng programa, bilang isang panibagong panata ng bayan na alagaan, protektahan, at bigyan ng mas maliwanag na kinabukasan ang bawat bata, ang Komprehensibong Serbisyo para sa mga Bata ay inilunsad at nagsibling simbolo ng pagkakaisa at pagmamalasakit ng bayan para sa hinaharap ng ating mga kabataan. (Rovin Gem D. Soriano/RSO; AG)