Ang Municipal Health Office (MHO) ng Bayambang ay nagsagawa ng coordination meeting bilang paghahanda para sa nalalapit na pagdiriwang ng Oral Health Month 2025 na bahagi ng 21st National Oral Health Month Celebration.
Ang nasabing pagtitipon ay ginanap noong Enero 28, 2025, sa Rural Health Unit I (RHU I) Conference Room, at dinaluhan ng mga kinatawan mula sa LGU, PNP, BFP, at MSWDO.
Kabilang sa mga dumalo sina Dr. Adrienne Estrada at Dr. Roland Agbuya mula sa RHU II at III, at Dr. Beah Bautista ng Pangasinan Dental Association (PDA).
Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga plano para sa selebrasyon, kabilang ang mga aktibidad, responsibilidad ng bawat opisina, at ang logistics upang matiyak ang tagumpay ng programa.
Kabilang sa mga nakahanay na aktibidad ang 1st Toothbrushing Marathon, opening/kick-off ceremony, Project BUNTIS, Project Hope, at 2nd Orally Fit Child Awarding Ceremony.
Pinangunahan ang diskusyon ni Dr. Dave Francis D. Junio, Public Health Dentist II ng Bayambang.
Ayon sa MHO, ang nasabing inisyatibo ay layong magbibigay ng kamalayan ukol sa kalinisan ng ngipin at kalusugan ng bibig upang mas mapalakas ang adbokasiya sa kalusugan ng buong komunidad.
Ang Oral Health Month 2025 ay isang taunang pagdiriwang na inaasahang magsisilbing daan upang mas maipakita ang kahalagahan ng kooperasyon sa pagitan ng mga pampubliko at pribadong ahensya para sa kapakanan ng bawat Bayambangueรฑo. (RGDS/RSO; larawan ni Aaron Gabriel P. Mangsat/JMB)
#TeamQuiambaoSabangan
#TotalQualityService
#NiรฑaAroTaka