Muling ipinakita ng proyektong โBuklat-Aklatโ ni Mayor Niรฑa Jose-Quiambao ang kahalagahan ng pagbabasa bilang pundasyon ng kaalaman nang dumako ito sa Paaralang Elementarya ng Tococ East-West noong Enero 21, 2025, sa tulong ng Local Youth Development Office (LYDO), Sangguniang Kabataan (SK), Binibining Bayambang Foundation, at Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT).
Tampok si Bb. Bayambang alumna Glaiza Grenadino bilang guest storyteller, na nagdala ng bagong sigla sa mga mag-aaral. Kasama rin niya sina dating Bb. Bayambang Jenesse Victoria Mejia, bilang kinatawan ni Municipal Administrator Atty. Rodelynn Rajini Sagarino Vidad, SK Federation President Marianne Cheska Dulay, SK members ng Brgy. Tococ East at West, at ang kinatawan ng Punong Guro, Dr. Sherlita Baratang, na si Reading Coordinator in English Necy Castillo.
Sa pamamagitan ng storytelling sessions at interactive games, hinasa ang kakayahan at malikhaing pag-iisip ng mga bata.
Bukod dito, nagdala rin ng dagdag na sigla ang libreng lugaw mula sa Galila Mangan Tila Food Truck ng pamahalaang bayan, na simbolo ng kanilang malasakit sa kalusugan ng mga mag-aaral.
Bago magtapos ang programa, namahagi ang proyekto ng ibaโt ibang aklatโmula sa mga kuwentong pambata hanggang sa mga aklat na naglalaman ng mahahalagang aral. Ang mga ito ay magiging mahalagang kasangkapan para sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman at pagpapaunlad ng kanilang kasanayan sa pagbabasa.
Sa walang sawang suporta ng lokal na pamahalaan at mga katuwang nito, ang โBuklat-Aklatโ ay patuloy na maglalakbay upang marating ang mas maraming kabataan. Ito ay patunay na ang edukasyon at pagkakaisa ay sandigan sa pagbuo ng mas maliwanag na kinabukasan ng bayan. (๐๐๐๐/๐๐๐; larawan: LYDO)
#TeamQuiambaoSabangan
#TotalQualityService
#Niรฑaarotaka