Ang Phase 2 ng Buklat Aklat tutorial program ni Mayor Niña Jose-Quiambao ay inumpisahan noong February 22, 2025 sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan at Local Youth Development Office.
Nagsilbing volunteers ang mga SK members at ilang teachers, at sila ay nagtungo sa Alinggan-Banaban Elementary School (ES), Tococ East-West ES, at San Gabriel-Iton ES.
Ang inisyatibong ito na naglalayong tulungan ang ilang target readers at learners ay magtatapos sa loob ng sampung linggo.
Bukas ang SK Federation at LYDO sa sinumang nais maging volunteer tutor sa Buklat Aklat o nais magdonate ng mga aklat o educational materials na angkop sa mga mag-aaral sa elementarya.
Mangyaring bisitahin lamang nila ang tanggapan ng LYDO sa ground floor ng lumang Municipal Hall, at hanapin lamang si G. Ray Hope O. Bancolita.