Ang Philippine Rural Development Project (PRDP) Scale-Up team mula sa Department of Agriculture ay nagdaos ng tatlong-araw na โCapacity-Building on World Bank Harmonized Procurement Guidelines and Financial Processesโ mula Pebrero 19 hanggang 21, 2025, sa Mayorโs Conference Room, upang palakasin ang kaalaman ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, lalo na ng mga procurement officers nito, sa standardized procurement practices.
Sa unang araw, pormal na binuksan ang programa ni Mayor Niรฑa Jose-Quiambao, na nirepresenta ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, na siya ring Head ng Municipal Project Management and Implementation Unit (MPMIU), sa pamamagitan ng isang pambungad na pananalita, presentasyon ng proyekto, at overview ng aktibidad.
Pagkatapos ay pinangunahan ni Engr. Rachel D. Pangan ang talakayan tungkol sa legal na mga dokumento, kabilang ang PRDP Cross Reference Procurement Guidelines at Procurement Manual Module 1 at Harmonized Philippine Bidding Documents, na sumasaklaw sa Standard Bidding Documents (SBDs) para sa goods, civil works, at consulting services sa ilalim ng PRDP framework. Kasunod nito, nagbigay si Ms. Rosemarie L. Torio ng presentasyon tungkol sa Integrated Management and Enterprise System (IMAS) at ang mga pangunahing tungkulin nito. Nagtapos ang unang araw sa isang workshop kung saan pinagtuunan ng pansin ang PRDP Bid Finalization, kabilang ang paghahanda at pinal na bersyon ng Bid and Evaluation Report (BOQ).
Sa ikalawang araw, tinalakay ni Regina R. Libadia ang hinggil sa situational analysis ng procurement, common causes ng rebidding, at procurement milestones. Nagbigay naman si Lalaine B. Martinez ng presentasyon tungkol sa PhilGEPS Posting Procedure for Works, kasabay ng pagbibigay ng gabay sa opening at preliminary evaluation ng bids. Kinahapunan, nakatuon ang talakayan ni Libadia sa ibaโt ibang procurement documents at ni Martinez sa actual bid evaluation.
Sa ikatlong araw, nagpatuloy ang sesyon tungkol sa Social and Environmental Safeguards Requirements, na tinalakay ni Rudan S. Garin. Sinundan ito ng diskusyon tungkol sa documentary requirements para sa release of funds at isang open forum, at pormal na closing remarks ni Ms. Rosemarie L. Torio, Financial Analyst I ng RPCO 1.
Ang tatlong araw na pagsasanay ay patunay ng dedikasyon ng Bayambang sa transparency, kahusayan, at epektibong pamamahala sa procurement processes kaugnay ng pinakahuling proyekto na iniaward ng DA-PRDP sa bayan ng Bayambang.
Ginanap na rin sa ikatlong araw ang pre-procurement conference na siyang nagsilbing panimula ng bidding process ng LGU para sa dalawang mega-projects na Phase 2 Pantol to San Gabriel 2nd Farm-to-Market Road na nagkakahalaga ng โฑ319,180,000.00 at Onion Cold Storage na nagkakahalaga naman ng โฑ246,015,000.00. (RGDS/RSO; Adrian Torralba)
#TeamQuiambaoSabangan
#TotalQualityService
#NiรฑaAroTaka