๐— ๐——๐—ฅ๐—ฅ๐— ๐—– 1๐—ค ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด: ๐—ง๐˜‚๐—บ๐˜‚๐˜๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฅ๐—ถ๐˜€๐—ธ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—”๐˜๐—ฏ๐—ฝ.

Idinaos ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ang kanilang unang quarter meeting para sa taong ito na pinangunahan ni Mayor Niรฑa Jose Quiambao, MDRRMC Chairman, kasama si Ms. Gene N. Uy, LDRRMO V ng MDRRM Office, sa Mayorโ€™s Conference Room noong Enero 16, 2025.

Tinalakay sa pagpupulong ang Communication for Development (C4D), na nagbigay-diin sa mahalagang papel ng komunikasyon sa panahon ng sakuna. Ipinaliwanag ni Uy na ang C4D ay kinakailangang dumaan sa limang hakbang: analysis, strategic design, development and testing, implementation, at monitoring and evaluation.

Bukod dito, nirepaso rin ang mga natapos na proyekto at tagumpay ng MDRRM Council noong 2024.

Sinuri rin ang mga kasalukuyang isyu tulad ng harabas na sumasalanta sa pananim ng mga magsasaka, at pinag-usapan ang mga hakbang para mapalakas ang kaligtasan sa sunog sa Bayambang.

Isang mahalagang bahagi rin ng pulong ay ang talakayan tungkol sa cybersecurity.

Sa open forum, nagbahagi ng mga mungkahi at solusyon ang mga miyembro ng konseho para harapin ang mga hamong kinakaharap ng bayan, partikular na sa pamiminsala ng harabas.

Sa kabuuan, ang pagpupulong ay nagsilbing isang mahalagang hakbang upang mapatibay ang pagkakaisa at kooperasyon ng mga miyembro ng MDRRM Council sa kanilang layunin na makapagtatag ng isang ligtas na komunidad. (RGDS/VMF/RSO; larawan ni: Eduardo P. Sison II)

#TeamQuiambaoSabangan

#TotalQualityService

#Niรฑaarotaka